Ex-P-Duterte at de Lima, parehong taklesa, ‘pag pinagsabay sa house hearing, riot

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 28, 2024

MATATAPOS NA ANG TERMINO NI GOV. MANDANAS, PERO HINDI PA RIN NAPAPA-STOP ANG DROP BALLS AT COLOR GAMES NI ‘ALING TESSIE’ -- Patuloy pa rin daw ang operasyon ng color games at drop balls ni “Aling Tessie” sa iba’t ibang lugar sa Batangas.
Hay naku, next year ay matatapos na ang termino ni Batangas Gov. Herminigildo Mandanas nang hindi niya nagawang ipa-stop ang raket ni “Aling Tessie” sa kanyang nasasakupan, tsk!
XXX
KAPAG NAPATUNAYANG SPY, WALA NANG KAWALA SI MAYOR ALICE GUO KASI NASA ‘LOOKOUT BULLETIN’ NA SIYA NG IMMIGRATION -- Inatasan ni Sec. Boying Remulla ng Dept. of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na isailalim sa “lookout bulletin” si suspended Mayor Alice Guo at 17 pang kasabwat nito sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa Bamban, Tarlac.
Ibig sabihin niyan ay hindi na basta-basta makakalabas ng bansa si Mayor Guo, kaya kapag napatunayan na isa siyang “spy” sa ‘Pinas ng China gov’t., wala na siyang kawala, kulong na ang aabutin niya, period!
XXX
BAKA HINDI MAPIGILAN NG MGA CONG., KAPAG NAGBANGAYAN SA KONGRESO SINA EX-P-DUTERTE AT DE LIMA -- Kabilang sina ex-P-Duterte at former Sen. Leila de Lima sa inimbitahan ng Kamara kaugnay sa isyung extrajudicial killings (EJK) na naganap sa bansa sa panahon ng Duterte administration.
Sablay ang desisyong iyan ng Kamara na pagsabayin sina ex-P-Duterte at De Lima sa House hearing kasi bukod sa magkalaban sa pulitika ay pareho pang taklesa ang ex-president at dating senadora, na ang nais nating ipunto rito ay baka hindi mapigilan ng mga cong. ang dalawang ito kapag nagbangayan sa House of Representatives, boom!
XXX
MAS IBINOBOTO ANG MGA PLUNDERER, PABIDA AT MAY POLITICAL DYNASTY KAYSA MGA TAONG MAY TRACK RECORD SA MAHUSAY NA PAGLILINGKOD -- Kahit nilinis na ng mga korte ang pangalan ni De Lima nang iabsuwelto nila ito sa mga kasong may kinalaman sa droga na isinampa rito ng nakaraang Duterte admin, ay sinabi ng dating senadora na wala siyang planong kumandidato sa anumang posisyon sa darating na 2025 midterm election.
Sa totoo lang, sayang si De Lima dahil isa siya sa maituturing na mahusay na naging senador ng ‘Pinas, kaya lang marahil ay naisip niyang hindi siya mananalo sa senatorial election kasi ibang klase na ang utak ng mga botante ngayon, na mas ibinoboto ang mga plunderer, pabidang mga personalidad at trapong may political dynasty, kaysa mga pulitikong may track record sa mahusay na paglilingkod, period!




Comments