top of page
Search
  • BULGAR

Ex ni Derek, nakyutan daw sa piktyur nila ng BF…ELLEN, BINARA SI SOLENN IN PUBLIC

ni Nitz Miralles - @Bida | March 6, 2021






Sabi ng mga netizens, parang hindi naniwala si Ellen Adarna sa “Cute naman” na comment ni Solenn Heussaff sa ipinost ng una na picture nila ni Derek Ramsay kung saan magkayakap sila. Ang sagot kasi ni Ellen sa comment ni Solenn ay “@solenn charaught! Hahaha.”


May nag-comment tuloy kay Ellen na hindi nakakain ang "BITTER". Sino kaya ang gustong palabasin ng netizen na bitter? Hindi naman siguro si Solenn dahil happily married ito kay Nico Bolzico.


Nagkataon kasi na ex-GF ni Derek si Solenn at matagal ang kanilang naging relasyon. Sa interview nga ni Derek, nabanggit na pinag-usapan din nila noon ni Solenn ang kasal. Hindi lang sila nauwi roon dahil pareho pa silang bata that time.


Sa ngayon, super in love si Derek kay Ellen at halos hindi na nga sila naghihiwalay. Sa mga posts nila sa IG Stories, hindi na malaman kung nasa bahay ba sila ni Derek o ni Ellen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page