Ex na aktres, sinisi pa sa hiwalayan nila…

GERALD, SAPOL SA MGA PATUTSADA NINA BEA AT JANUS SA SOCMED
ni Nitz Miralles - @Bida | March 8, 2021

May mga cryptic posts ang aktor na si Janus del Prado sa kanyang Instagram account na galing sa #lifequotes.
Ni-like ni Bea Alonzo ang mga posts ni Janus na: “Let them talk and dig their own grave while you win in silence” at “No matter how it ended, you do not destroy someone you used to love.”
Hindi naman namin nabasa ang pangalan ni Bea sa mga nag-like ng isa pang post ni Janus na medyo comedy ang dating na: “Lahat tayo, merong ex na ipinagpalit tayo. Pero kahit kailan, ‘di ko hinusgahan ‘yung ipinalit niya sa akin... na mukhang paa.”
Sabi ng mga nakabasa sa posts na ito ni Janus, simpleng pa-shade niya ito kay Gerald Anderson dahil sa pahayag ng aktor sa breakup nila ni Bea, lalo na raw ‘yung part na “But being together, we were very toxic, and hindi inirerespeto ‘yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap...”
Feeling naman ng mga netizens, shade rin kay Gerald ang post ni Bea na: “Here’s to TIME. Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.”





Comments