ni Janiz Navida @Showbiz Special | Sep. 29, 2024
Napuno na naman ng nag-iisang Concert King na si Martin Nievera ang Smart Araneta Coliseum sa kanyang The King 4Ever last Friday night.
In fairness to Martin, kahit siya na mismo ang nagsasabi na hindi na siya kilala ng mga batang henerasyon ngayon at "Tito Martin" na nga ang tawag sa kanya, isa pa rin siya sa mga veteran singers-performers natin na kayang pumuno sa Big Dome.
No wonder, sa 42 yrs. ni Martin sa music industry, ganadung-ganado pa rin siyang mag-perform at ang katwiran nga niya, as long as may nanonood sa kanya, hindi siya magre-retire sa pagkanta.
At tulad ng kanyang BFF na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, bibilib ka rin sa energy at endurance ni Martin na sa loob ng mahigit 3 hours na pagpe-perform on stage ay napaka-hyper pa rin at parang 'di napagod.
Medyo naging emotional lang si Martin sa duet nila ng panganay nila ni Pops Fernandez na si Robin Nievera dahil may mga spiels ang Concert King na mas mabuting ama raw kesa sa kanya ang anak at 'wag daw nitong gayahin ang mga naging pagkakamali niya noon bilang tatay.
Nagustuhan namin 'yung duet nina Martin at Regine Velasquez sa dalawang kanta, though medyo napansin lang namin na parang nag-iba na ang range ng boses ngayon ng Asia's Songbird, 'di na kasingtaas tulad nang dati.
Nabuhay naman ang crowd sa song number nina Ogie Alcasid, Martin at Gary V. (ang galing, OMG pala ang nabuong pangalan nilang tatlo!) na sinamahan pa ni Randy Santiago na hinugot lang mula sa audience pero game na game ring kumanta.
Natuwa ang mga fans ni Martin dahil level-up na ngayon ang Concert King, as in sumasayaw na rin at nakipagsabayan ng hataw kina Ogie at Gary V.
Kaya nga nu'ng duet na ni Martin at ng kanyang ex-wife na si Pops Fernandez, kinantiyawan ng nag-iisa ring Concert Queen ang dating mister na sumasayaw na pala ito ngayon. Nanonood pala sa monitor sa backstage si Pops bago siya lumabas para sa medley duet nila ng Concert King.
Nakakatuwa ang dating mag-asawa, parang walang nangyari at super friends na sila ngayon. In fact, may source nga kaming nagtsika na si Pops pa pala ang nag-utos sa isang staff na abutan ng face towel si Martin habang pawis na pawis na nagpe-perform onstage.
Oh, devah, concerned pa rin sa ex-mister, why not?
Ka-love team, 'di kawalan…
DONNY, TINITILIAN NG FANS KAHIT WALA SI BELLE
SPEAKING of Gary V., few days before Martin Nievera's concert sa Araneta Coliseum, isa rin si Mr. Pure Energy sa mga naging performers sa CBN Asia's Beyond Measure: A Worship Celebration concert na ginanap nu'ng Sept. 24.
Kung may Robin na ka-duet si Martin, si Gary naman ay humataw ng sayaw kasama ang anak na si Gab Valenciano na ang guwapo at ang lakas ng appeal ngayon dahil mas lumaki ang katawan at mas matangkad pa kay Gary V.
At kumpara kay Direk Paolo Valenciano na panganay ni Gary V., mas nagmana sa kanya sa pagsasayaw si Gab na super-galing ng mga da moves at talagang Gary na Gary kung gumalaw.
Nag-perform din ang mag-asawang Morissette at Dave Lamar, si Ms. Dulce, Isay Alvarez and Robert Sena, Donny Pangilinan at marami pang celebrities-singers na sumusuporta sa 700 Club ng CBN Asia na nagse-celebrate ng kanilang 30th anniversary.
Ang nagulat kami, nu'ng kumanta si Donny Pangilinan, ang lakas ng tilian ng audience at kahit pala wala ang ka-love team niyang si Belle Mariano ay super-dami niyang fans, ha?
Well, sign na kaya ito na puwede nang mag-solo ni Donny?
NATUWA kami sa first time naming nainterbyu na Sparkle Artist star na si John Clifford na isa sa main cast ngayon ng GMA-7's youth-oriented show na MAKA na napapanood tuwing Sabado.
Una naming nakita si John Clifford sa birthday ng kasamahan sa panulat na si Rommel Placente at sa unang tingin, para siyang si Patrick Garcia na lilingunin mo dahil tisoy, makinis at ang tangos ng ilong.
At nang makatsikahan nga namin si John Clifford na aksidente lang naming nakita sa isang resto last week, mas nakilala namin ito nang lubos dahil matagal-tagal kaming nakapag-usap.
Only son pala siya ng parents niyang both businessmen at meron siyang mga kapatid na babae pero siya lang ang gustong mag-artista. Dati pala siyang endorser ng Promil nu'ng maliit pa siya, pero dahil nag-aral siya, hindi siya nakapag-full-time sa showbiz.
Pero ngayong binata na siya, gusto talaga niyang i-pursue ang pag-arte at pagkanta kaya sinuportahan naman siya ng parents niya kahit pa taga-Cebu sila at doon nakatira ang kanyang pamilya.
May sariling condo rito sa Manila si John Clifford at kahit daw mag-isa lang siya, determinado siyang ituluy-tuloy ang pagso-showbiz lalo't nabibigyan na nga siya ng break ngayon.
Bukod sa MAKA, nasa Pepito Manaloto rin si John Clifford bilang love interest ni Clarissa (Angel Satsumi) na anak nina Michael V. at Manilyn Reynes.
Eighteen years old na ngayon si John Clifford pero ang focus daw niya ay sa kanyang career at hindi sa love life kaya wala pa muna sa isip niya ang magka-girlfriend.
Mabait na bata rin si John Clifford at ramdam namin ang malaking respeto niya sa kanyang Mommy Sheila na kasama niya that time. Kaya sabi nga namin sa kanyang ina, masuwerte ito kay Clifford.
تعليقات