Ex-GF, ipinagtanggol kuno pero… DEREK, ENJOY NA PINAG-UUSAPAN KAHIT BINABASTOS NA SI ANDREA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 20, 2020

Pagpapakita ba ng pagkamaginoo kaya dinepensahan ni Derek Ramsay ang dalawang babaeng naugnay sa kanya na sina Joanne Villablanca at Andrea Torres?
Nasa hot seat ngayon ang hunk actor dahil sa breakup nila ng girlfriend na si Andrea.
Ayon sa netizen, “Tapos na tikman si babae na nang-agaw kay Joanne… kaganda ni Joanne, ipinagpalit sa big boobs. Ngayon, tinikman lang din pala, kawawa si girl."
Ipinagtanggol naman ng isang netizen si Andrea, “Kung big boobs lang naman, at least, 'di siya single mom at lalong 'di siya papalit-palit ng bf."
Sagot ni Derek sa netizen, “'Wag naman po bastos.”
Dugtong pa ng hunk actor, “Dear, there is nothing wrong being a single mom. That is actually something you should admire. I know you are just defending Andrea but pls. do it naman without being hurtful. Tnx.”
Nag-sorry naman ang netizen kay Derek dahil sa mga ginamit daw niyang hurtful words.
Sey ni Derek, “You know naman I'll defend Andrea when may marinig akong bastos tungkol sa kanya.”
Eto naman ang komento ng ibang mga netizens sa sinabi ni Derek…
“Parang ewan ko sa sagot ni Derek. Parang sumasakay lang at ewan ko kung natutuwa pa siya na may pinag-aaway na mga ex niya. Proud pa siya.”
“Puwede naman kasing block and delete the bastos comments. Sagot pa nang sagot, eh. Mas lalo mo lang silang ine-encourage. Smh.”
“'Yung sagot ni Derek, pa-victim na pa-protective type kuno. Sus!”
“Feel na feel pinag-aagawan.”
Ang ibang netizens, ngayon lang din nalaman na single mom si Joanne.
“Single mom pala si Joanne?” tanong ng isa.
“Oo. Malaki na 'yung anak niya, teen-ager na ata. Du'n sa asawa ni Roxanne Guinoo.”
“May new pa ba sa news na ito? Si Derek ba naman, eh. No wonder kung bakit break na sila ni Andrea. 'Yun lang!”
“Hindi naman mapapansin ng tao 'yung pamba-bash kung hindi pinapatulan ni Derek. Kung walang sagot niya, hindi magiging news 'yan. If he really wants to defend Jo and Andrea, then he should just delete those comments. 'Pag harapan sinabi, aba, eh, di sapakin niya.”
“Gusto naman kasi niyang mapag-usapan. Aminin! Saka lang naman kasi siya trending 'pag may new gf or nag-break na.”
“What do they see in him? Parang so many women that were involved with him na. History keeps repeating itself."
“So conyo the sagot of Derek, ha?”
“He's enjoying his heartbreaker persona. Nakakaawa 'yung mga ex niya, sila 'yung nagiging tampulan ng mga green jokes.”





Comments