Ex-couple, together again… SHAINA, PALIT KAY BEA SA SITCOM NILA NI JOHN LLOYD
- BULGAR

- Jan 18, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 18, 2021

Totoo ba ang narinig naming tsika na dahil hindi nakuha ng Brightlight Productions si Bea Alonzo para sa pagtatambalan sana nilang sitcom ni John Lloyd Cruz, si Shaina Magdayao ang ipapalit?
Exciting ito kapag nagkataon at kung totoo nga dahil ex-couple sina John Lloyd at Shaina. Pero parang hindi makapaniwala ang ibang netizens na ipinahiram ng Star Magic sa Brighlight Productions si Shaina.
Abangan na lang natin ang announcement ng CEO ng Brightlight Productions na si Albee Benitez tungkol dito. Pero ngayon pa lang, ang dami nang excited at gustong matuloy ang project nina John Lloyd at Shaina.
Anyway, ini-announce na ng Brightlight Productions na farewell episode na kahapon ng Sunday Noontime Live (SNL) at I Got You at nakasama pa nga sa mga tigil-airing ang Sunday Kada.
Pero nilinaw ito ng writer ng show na season ender lang sila, tuloy pa rin ang show at babalik pa sila sa ere.
Tiyak namang may mga ipapalit na shows ang Brightlight Productions sa SNL at I Got You. Ang mga talents ng dalawang mawawalang shows ay puwedeng bumalik sa ABS-CBN o puwede rin silang isama sa bagong kino-conceptualize na shows.





Comments