Ex-convict, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 29, 2022
AKLAN—Isang ex-convict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Ang suspek ay nakilalang si Reymar Ortega, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek at nang makalaya ay muli na namang nagbenta ng illegal drugs.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.





Comments