Ex-BF at bagong GF… KIM, KAKALABITIN SINA GERALD AT JULIA 'PAG NAKASALUBONG

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 12, 2020

Sa segment ng It’s Showtime, nahingan si Kim Chiu ng mensahe para sa kanyang ex-boyfriend at sa bago nitong girlfriend.
Alam naman ng lahat na ang ex-boyfriend ni Kim ay si Gerald Anderson at ang new girlfriend umano nito ay si Julia Barretto.
Ugali na ng IS hosts ang pagbibiruan sa programa para mag-enjoy ang audience sa kanilang mga pakuwela. Bawat host ay tinanong kung ano ang maibibigay nilang mensahe sa kanilang mga ex in case na makasalubong nila kasama ang bago nitong lover.
Nang si Kim na ang natanong, sabi ng Chinita Princess, “Eh, di kayo na!”
Sambit pa niya, “Kakalabitin ko, ganyan. Eh, di wow!”
Hindi na sikreto ang naging relasyon noon nina Kim at Gerald. Magmula nang nagkahiwalay ang KimErald ay nakakailang girlfriends na rin ang ipinalit ni Gerald kay Kim.
Nariyan sina Maja Salvador, Sarah Geronimo (na question mark naman kung naging sila nga) at ang huli ay si Bea Alonzo na naghiwalay last year.
Ngayon ay lumalakas na ang ugong na si Julia Barretto ang bagong girl ng Kapamilya actor.
Si Kim ay masaya naman sa piling ni Xian Lim.





Comments