top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Evacuees, protektahan din laban sa COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
1 min read

@Editorial | November 14, 2020



Humupa na ang bagyo, subalit hindi pa tapos ang laban.


Mayroon tayong mga kababayan na namatayan, nawalan ng tahanan, kabuhayan at hindi alam kung paano magsisimula.


Sa ngayon, marami ang nananatili muna sa mga evacuation centers, naghihintay ng tulong at pagkakataon para maitawid ang sitwasyong ito.


Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad na mas mag-ingat laban sa COVID-19. Mataas umano ang posibilidad na tumaas ang bilang ng mga magpositibo sa nakamamatay na sakit sa mga evacuation centers.


Batid naman natin ang sitwasyon sa mga evacuation centers, kung saan hindi maiwasang magsiksikan ng mga taong inilikas dahil sa bagyo.


Kaya mahalagang magkaroon din ng mga safety officers na magpapaalala sa mga evacuees.


Huwag sana nating makalimutang sundin pa rin ang mga health protocols tulad ng madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon, gumamit pa rin ng face mask at face shield at ang physical distancing.


Kailangan ding ihiwalay ang mga high risk tulad ng mga matatanda at dapat isang pamilya lamang sa isang classroom o tent.


Sakaling may sintomas ng COVID-19, ipagbigay-alam sa mga awtoridad upang matugunan agad at nang mapigilan ang pagkalat.


Hindi lang COVID-19 ang dapat na bantayan kundi maging ang iba pang sakit na maaaring makuha.


Kailangan nating maging responsable, disiplinado at maingat sa lahat ng pagkakataon alang-alang sa ating kaligtasan at ng ating pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page