top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

EU nagbigay ng karagdagang €10 million para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Nagbigay ang European Union (EU) ng karagdagang €10 million (P586. 44 million) para sa mga nasalanta ng bagyong Odette, batay sa anunsiyo nitong Sabado.


Nauna nang nagpaabot ang EU ng €1.7 million (P99.65 million) noong Disyembre.


Sa tindi ng pinsala ng bagyo, hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang mga lugar na sinalanta nito.


Nagdulot ito ng P16.65 bilyong halaga ng pinsala sa mga imprastraktura, at P6.9 bilyon sa agricultural damage, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sa tala noong January 1, ang kabuuang bilang ng namatay dahil sa bagyong Odette ay nasa 407, ayon sa NDRRMC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page