top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

EU donations para sa mga bagyo, ‘wag sanang matulad sa donasyon sa Taal victims

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 22, 2020



MMDA FLOOD CONTROL PROJECTS, SABLAY!—Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na sa mahigit 100 flood control project ng MMDA (Metro Manila Development Authority), kahit isa ay wala pa raw natatapos, at ang karamihan sa proyektong ito ay hindi pa nauumpisahan.


Kaya naman pala sa kaunting patak lang ng ulan ay baha na agad ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sablay pala ang flood control projects ng MMDA, buwisit!


◘◘◘


DONASYON NG EU SA MGA BIKTIMA NG MGA BAGYO, HUWAG SANANG MATULAD SA DONASYON SA TAAL VICTIMS—Nag-donate ng $3.8 million ang EU (European Union) bilang tulong para pambangon sa mga kababayang sinalanta ng magkasunod na Bagyong Rolly at Ulysses.


Sana, ang tulong na ‘yan ng EU sa mga biktima ng bagyo ay hindi matulad sa tulong ng mga bansang Amerika, China, Japan at South Korea sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 2020 na “napunta sa wala” matapos aminin sa senado ni NHA (National Housing Authority) General Manager Marcelino Escalada noong Oct. 2020 na walang aasahang pabahay ang mga Taal victims dahil wala raw inilaang budget para dito ang national gov't., tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MAG-INGAT SA COVID-19 KASI KAHIT ANG TIGASING DATING PNP CHIEF SEN. “BATO” TINAMAAN NG VIRUS—Isinapubliko ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na siya ay tinamaan ng coronavirus.


Patunay ‘yan na walang sinasanto ang COVID-19, na kahit ang dating tigasing PNP (Philippine National Police) na binansagang “Bato” ay tinamaan na rin ng coronavirus, kaya’t panawagan natin sa publiko, palaging mag-ingat upang makaiwas sa salot na virus na ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page