top of page
Jasmine Curtis-Smith - IG.jpg

Estudyanteng magbabanta sa iskul, kakasuhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 3, 2026



Sonny Angara - DepEd Philippines

Photo: Sonny Angara - DepEd Philippines



Nagbabala si Education Secretary Sonny Angara na maaaring mapatawan ng expulsion, suspension, o dismissal, bukod pa sa kasong kriminal, ang mga estudyanteng mapatutunayang responsable sa pagbabanta sa mga paaralan.


Sa panayam sa sidelines ng EdConnect Higher Education EdTech Summit 2026 sa Quezon City, sinabi ni Angara na seryosong tinatrato ng Department of Education (DepEd) ang bawat ulat ng banta kasunod ng mga kamakailang insidente sa Batangas at Bagong Silangan High School sa Quezon City.


Ayon kay Angara, hindi maaaring isawalang-bahala ang anumang banta dahil hindi maaaring isugal ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.


Aniya, ang mga gumagawa ng maling banta ay maaaring managot sa ilalim ng administratibo at kriminal na batas dahil itinuturing itong seryosong paglabag.


Dagdag pa ng kalihim, makatutulong ang pinaigting na seguridad sa mga paaralan, kabilang ang dagdag na presensya ng mga pulis, security guards, paggamit ng metal detectors, perimeter fencing, at closed-circuit television (CCTV) cameras upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.


Ang pahayag ni Angara ay kasunod ng pekeng online threat na nagdulot ng takot sa Bagong Silangan High School sa Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page