Estudyante, tiklo sa pagbebenta ng baril
- BULGAR

- 57 minutes ago
- 1 min read
by Janice Baricuatro @News | September 3, 2026

Photo: File
Dalawang lalaki, kabilang ang isang 21-anyos na estudyante, ang timbog sa magkahiwalay na buy-bust operation dahil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na baril at paglabag sa gun ban sa Lungsod ng Dasmariñas sa Cavite kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na Haime, 21, 3rd year Psychology student, at Ferdie.
Unang nasakote si “Haime,” alas-4:30 ng hapon sa Fatima Proper Road, Brgy. Fatima 1.
Nakuha sa kanya ang caliber .45 pistol, dalawang magazine na may tig-dadalawang bala, mga holster, cellphone at P1,000 marked money. Narekober din ang motor. Alas-11:25 naman ng gabi, timbog si “Ferdie” sa Brgy. Paliparan 3 matapos umanong magbenta ng caliber .38 revolver na walang serial number kapalit ng P500. Nakumpiska rin ang limang bala at isang black belt bag.





Comments