top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyante nagdala ng granada sa iskul, huli

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

ni BRT | April 5, 2023




Hinuli ng Talisay City police ang isang 20-anyos na Grade 10 student matapos magdala ng granada sa paaralan sa Talisay City, Negros Occidental.


Batay sa ulat, isang pedicab driver ang nagsumbong sa Barangay dahil tinangka umano ng estudyante na ihagis sa kanya ang granada dahil hindi niya ito pinasakay.


Nagsumbong naman ang barangay sa mga pulis na agad nagtungo sa paaralan.


Sa pahayag ni Police Lieutenant Abegael Donasco, inipit pa umano ng estudyante ang granada sa kanyang hita pero nakuha ito ng mga pulis.


May hinihinalang marijuana at pipa ring nakuha mula sa kanyang bulsa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page