Espejo: "Malaking karangalan ang maglaro para sa 'Pinas"
- BULGAR
- Aug 20
- 2 min read
ni MC @Sports News | August 20, 2025

Photo: Unti-unting lumalakas na muli ang laro ni Marck Espejo para sa team Alas Men sa tatlong training camp sa Europe. (rankthemagpix)
Dumanas man ng ankle injury ang isa pang beteranong player ng Alas Pilipinas Men na si Marck Espejo, tulad ni Bryan Bagunas ngayon ay nakarekober na sa training camp niya sa tatlong training camp sa Europa at nitong huli ay sa Portugal.
“I’m taking it day by day, training by training, as I work to catch up with the team after coming back from injury,” ani Espejo mula training camp sa Santo Tirso, siyudad sa Hilagang Portugal kahapon.
Nakarekober na sina Espejo, 28 at Bagunas, 27 sa mga injuries at gamay na ang laro sa team na pinaghalong mga bata at beterano mula nang simulan ang training camp sa Morocco at Romania at nagtapos sa Portugal.
Nagwagi ang Alas Pilipinas ranked No. 77 sa mundo ng dalawa sa tatlong tune-up matches kontra national team world no. 81 Morocco at nakalamang ng bahagya sa laro sa Romania.
Ito ang potensiyal na senyales na malapit na ang Alas Pilipinas sa kanilang misyon sa training camp para sa mas malakas na laro sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Set. 12 to 28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.
“It’s well-balanced team [Alas] for long-term growth,” saad ni Espejo. “We have experienced veterans and kuyas who provide leadership, and younger players with fresh legs and a lot of energy.”
“It’s a huge honor and opportunity to be part of the world championship—playing for your country feels different from playing for your club. I’ll make the most out of it because this is a once in a lifetime experience.”
“This is a huge opportunity, not just for me, but for the growth of men’s volleyball in the Philippines, I won’t take this opportunity for granted,” aniya.
Sasagupa ang Alas Men sa No. 23 Egypt sa Set. 16 at No. 13 Iran sa Set. 18 sa Pool A action.
Comments