ni Eli San Miguel @Overseas News | September 7, 2024
Nag-emergency landing ang isang flight ng Vistara Airlines mula India nitong Biyernes, bandang 4:30 ng hapon (1330 GMT) sa Erzurum, silangang bahagi ng Turkey. Ito’y matapos matagpuan ang isang papel sa banyo na may nakasulat na "bomb on board," ayon sa mga opisyal ng Turkey.
Dalawang bomb disposal experts at isang search dog ang patuloy na nagsisiyasat sa eroplano, ayon kay Turkish Interior Minister Ali Yerlikaya sa social media platform na X. Dagdag pa niya, 234 pasahero at 13 crew ang ligtas na nailikas.
Ibinahagi naman ni Turkish Transport and Infrastructure Minister Abdulkadir Uraloglu sa broadcaster na TGRT Haber na wala pang natatagpuan ang mga otoridad na posibleng bomba o banta sa eroplano.
Comentarios