Eroplano bumagsak, 4 dedo

ni Jenny Rose Albason | June 7, 2023

Patay ang apat na pasahero ng Cessna plane matapos na bumagsak ito sa bulubunduking bahagi ng Virginia.
Patungo sana ang nasabing eroplano sa Long Island MacArthur Airport sa New York nang ito ay bumagsak.
Rumesponde ang F-16 fighter jet nang makarinig sila ng sonic boom bago bumagsak ang Cessna plane.
Bilang protocol, kinakailangan umano nilang rumesponde para matiyak na hindi ito banta.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.





Comments