top of page

Eridanus at Chiefs positibo at masaya sa NBL-Pilipinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 4, 2023



ree

Binuksan ng Eridanus Santa Rosa ng positibo ang kanilang kampanya sa 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) Chairman’s Cup sa pinaghirapang 104-99 panalo sa bisita at kapitbahay Tatak GEL Binan sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex. Umuwi ding masaya ang Muntinlupa Chiefs matapos magwagi sa Circus Music Festival Makati, 102-96.


Sumandal ang Santa Rosa sa mga pandiin na puntos ni John Lester Maurillo sa huling minuto upang masugpo ang paghabol ng Tatak GEL. Nagtapos na may 30 puntos si Maurillo habang 17 ang nagbabalik na si Alex Junsay at maghari sa tinaguriang Laguna Clasico.


Naglabas ng bagong armas ang Binan na sina Art Patrick Aquino na may 29 at Michael Joseph Homo na may 25 subalit kinapos sila ng tulong sa mga beteranong kakampi. Umabot sa semifinals ang Tatak GEL sa nakaraang President’s Cup.


Tampok ang ilang manlalaro mula sa dating kinatawan ng lungsod, pinagpag ng Chiefs ang mapagal na simula at bumangon sa likod ng mainit na si Buboy Barnedo. Mula doon ay siniguro ni point guard Francis Abarcar na hindi masasayang ang trabaho ng kakampi at ipinasok ang mga mahalagang puntos sa fourth quarter upang mapiling Best Player.

Nanguna si Barnedo na may 33 puntos habang 14 si Abarcar. Nagtala ng 14 para sa Makati si Rommel Saliente na sinundan nina PJ Intia at Jexter Tolentino na parehong may 12.


Ang iba pang kalahok ngayong President’s Cup ay ang defending champion Taguig Generals, CamSur Express at Boss ACE Zambales Eruption. Ginaganap ang mga laro tuwing Biyernes at Linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page