Epekto ng hindi pagrehistro ng pagkawala ng bisa ng kasal
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 7, 2020
Dear Chief Acosta,
Nakipaghiwalay ako sa aking asawa halos walong taon na ang nakararaan. Kamakailan, napag-alaman kong hindi pala nairehistro ang hatian ng aming ari-arian pati na rin ang tamang pagbabahagi ng mga ito base sa decree of nullity sa civil registrar kung kaya wala silang tala nito. Nais kong malaman kung ano ang epekto nito sa nag-iisa kong anak sa aking pangalawang asawa? Ako ay ikinasal sa kanya, dalawang taon na ang nakararaan. – Tiffany
Dear Tiffany,
Para sa inyong kaalaman, ang Article 52 ng Family Code of the Philippines ang probisyon ng batas na nakasasakop sa inyong sitwasyon. Ayon dito, kinakailangang magampanan ng dating mag-asawa ang mga nakasaad sa Article 52 ng Family Code, bago sila muling magpakasal:
“Art. 52. The judgment of annulment or absolute nullity of the marriage, the partition and distribution of the properties of the spouses, and the delivery of the children’s presumptive legitimes shall be recorded in the appropriate civil registry and registries of property; otherwise, the same shall not affect third persons.”Kaugnay nito, nakasaad naman sa Article 53 ng nasabing batas na walang bisa ang sumunod na kasal kapag hindi nasunod ang mga isinaad na proseso sa binanggit na artikulo:
“Art. 53. Either of the former spouses may marry again after complying with the requirements of the immediate preceding Article; otherwise, the subsequent marriage shall be null and void.Sa kabila nito, nakasaad naman sa susunod na Artikulo ang status ng mga anak kung sakaling ang kanyang magulang ay hindi nakasunod sa prosesong binanggit ng Article 53:
“Art. 54. Children conceived or born before the judgment of annulment or absolute nullity of marriage under Article 36 has become final and executory, shall be considered legitimate. Children conceived or born of the subsequent marriage under Article 53 shall likewise be legitimate.” (Binigyang-diin)Samakatwid, ang inyong anak sa inyong pangalawang asawa/kasal ay itinuturing pa ring lehitimong anak sa kabila ng hindi ninyo pagsunod sa Article 53 ng nabanggit na panuntunan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments