top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Environmental Protection, Reproductive Health at Drug Prevention, isama sa curriculum

BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

@Editorial | November 8, 2022


Maraming pagbabago at banta sa paligid.


Kadalasang nalalagay sa alanganin ay ang kabataan.


Talamak ang mga ilegal na gawain at biktima ang mga menor-de-edad. Sila rin ang dumaranas sa mga epekto o resulta ng ginagawa ng nakatatanda.


Kaugnay nito, isinusulong ang House Bill No.5202 o Responsible Youth Act, na makapagtuturo at mangangalaga sa kabataan.


Ang panukalang batas na ito ay naglalayong isama ang ilang mga paksa sa curriculum ng elementary at high school. Ito ay ang Environmental Protection, Entrepreneurship, Reproductive Health and Population Control at Drug Prevention.


Malaking tulong ito sa kabataan na magkaroon ng kaalaman sa mga naturang usapin at magkaroon ng positive-mindset.


Batid naman natin na nahaharap ang kabataan sa maraming panganib at hamon kabilang dito ang drug addiction, teenage pregnancy at kakulangan ng kaalaman sa usaping climate change o global warming.


Kaya kailangan ng tamang gabay para matiyak na sila'y tumatahak sa tamang landas.


Dapat mas matutukan ang mahahalagang isyu sa pamamagitan ng mga content sa teaching modules na angkop sa edad ng mga bata.


Kasabay ng pagharap natin sa kasalukuyang panahon na puno ng pagsubok, huwag din nating kalimutan ang haharaping kinabukasan ng ating mga anak.


Hindi man natin maibigay sa kanila ang maginhawang bukas, tulungan natin silang maging mas matatag, palaban at may alam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page