Ensayo ni Sotto sa Gilas hinihintay ni coach Chot
- BULGAR
- Jul 30, 2023
- 2 min read
ni VA @Sports | July 30, 2023

Patuloy pa rin sa paghihintay ang Gilas Pilipinas kung kailan magsisimulang mag-ensayo kasama ng koponan si Kai Sotto.
Mula nang magbalik ito galing sa kanyang stint sa NBA Summer League, dalawang beses nang nagpakita si Sotto sa ensayo ng Gilas Pilipinas. Ngunit hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito ay di pa rin ito aktuwal na nag-iensayo.
Sa isang panayam kay Gilas head coach Chot Reyes sa telebisyon kamakailan, nagpahiwatig na ito ng pagkainip.
Wala ng isang buwan at magsisimula na ang FIBA Basketball World Cup sa Agosto 25, ngunit hindi pa nila nakakasamang mag-ensayo si Sotto.
Sa kanyang pagpapakita sa ensayo, nagpaalam si Sotto Kay Reyes at sa kanyang mga teammates na kailangan pa niya ng konting panahon upang makapagpahinga at makarecover sa kanyang back injury na natamong matapos ang kanyang huling laro sa Summer League.
Kailangan pa umanon ng go signal Mula sa doktor para muli syang makapaglaro na siya ring sinasabi ng kanyang mga handlers.
Pero Duda umanong dsila dito ani Reyes dahil ng suriin si Sotto ng team doctor ng Gilas ay wala silang nakitang anumang problema dito.
Subalit sinasabi rin aniya ni Sotto na nagpa-MRI (magnetic resonance imaging) siya kung kaya hinihintay nila ang kopya ng resulta ng nasabing test para ma pag-aralan ng mga doktor ng Gilas.
Nag-aaalala si Reyes dahil kumpara Kay Jordan Clarkson na Isa ng estabilisadong manlalaro sa NBA, kinakailangan pa aniya ni Sotto nang mahaba-habang panahon na makapag-ensayo kasama ng team.
Naniniwala si Reyes na kailangang maglaro ni Sotto sa pocket tournament sa China kung saan makakalaban nila ang mga koponan ng Senegal, Iran at Lebanon lalo pa ngayong nawala na rin sa team si Poy Erram dahil sa injury nito sa tuhod.








Comments