top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Empleyado ng CENRO sa Samal Island, patay sa pananambang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 20, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Isang empleyado ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Samal Island, ang namatay matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin.


Kinilala ang biktima na ai Florente Corone, 54-anyos, empleyado ng CENRO sa Samal Island.


Naganap ang pananambang sa Purok 1B Barangay Pina, Samal District Island bandang alas-12 kanina. Pauwi na ang biktima sakay ng kanyang SUV sa bahay, kung saan may motorsiklong sumusunod sa kanya. Dalawang lalaki ang sakay ng motorsiklo nang bigla pagbabarilin ang biktima. Tadtad ng bala ang katawan ng biktima nang isugod sa ospital subalit dead on arrival na ito.


May natagpuang mga basyo ng .45 caliber at 9mm pistula sa pinangyarihan ng krimen.


Patuloy ang imbestigasyon ng Igapos Police sa motibo sa naganap na pananambang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page