ELLEN, TINURUAN NG NETIZEN SA TAMANG PAGBIGKAS SA NAME NG ANAK, NAINSULTO, NAMBARA
- BULGAR

- Aug 15, 2020
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 15, 2020

Sinopla ni Ellen Adarna ang netizen na nagmamarunong kung paano raw niya dapat i-pronounce ang pangalan ng kanyang anak na si Elias Modesto, ang love child nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.
May post ang Cebuana actress kung saan tinuturuan niya ng alphabet ang anak. Sa letter E, isinampol niya ang kanyang first name na Ellen and then ang name ng anak.
Sa short clip na ibinahagi ni Ellen, kung saan maririnig ang pronunciation ng Elias as ‘El-yas’, which is very common na tawag ng mga Pinoy, pinuna ng netizen ang pronunciation ng aktres at nilagyan ng kalakip na link kung paano i-pronounce sa ibang bansa ang Elias.
Ani ng netizen na may user id na @noreenepinephrine, “Hi Miss Ellen, I noticed you pronounce “Elias” differently. I’m sending you a link of how other countries pronounce such a beautiful name for a boy (in case you are conscious). Please don’t get me wrong. I really love the name Elias. It sounds nicer in English speaking countries, imo (in my opinion).”
Sarkastikong sinagot ni Ellen ang netizen, “IMO… Because we are all different… right?! Maybe I should also change how I pronounce my name to I-len or Y-len (laughing emoji) Ellen = Elias. He is my son after all.”
Dagdag pa ng ex ni JLC, “How aware you are that IMO you sound like you are imposing your judgments and taste on me.
“Your son's name is probably Elias and its pronounced the way you want it. Go girl! You do you!”
Dahil sa pakikialam ng basher sa masayang bonding time ng mag-ina, nalokah ang mga netizens.
“Kung materyal na bagay lang 'yung link, naitampal ko na sa bibig ni ate! Ibang level 'yung pagkapakialamera niya. Nakakaloka!” sabi ng isa.




Comments