Eleksyon sa Mindanao, hindi pa rin natatapos
- BULGAR
- Jun 17, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 17, 2022
HINDI pa rin tapos ang eleksyon sa ilang lugar sa Mindanao.
Ito ay bunga ng kaguluhan at isyu ng mga pandaraya.
◘◘◘
IPINASUSUSPINDE ang proklamasyon sa nanalong mayor sa Malabang, Lanao del Sur.
Nagsumite ng motion to suspend proclamation sa Commission on Elections (Comelec) ang kampo ng natalong mayor ng na si Al-Rashid Macapodi.
◘◘◘
SA petisyon ni Macapodi, tinukoy nito na nagkaroon ng failure of election sa ilang presinto sa bayan ng Malabang.
Ito ay dahil sa mga nangyaring kaguluhan noong araw ng eleksyon, kung saan ilan ang namatay at nasugatan.
◘◘◘
NASAKSIHAN ang karahasam mismo nina Aminoden Macapodi at Aliya M. Tangcolo na kabilang sa mga tumatayong petitioner.
Pinasok umano ng mga supporters ng kalabang mayoralty candidate na si Dagar Balindong ang ilang voting precincts at kinumpiska ang ilang mga balota.
◘◘◘
NATIGIL ang botohan at maraming botante ang umuwi dahil sa takot.
Ni-record ang ebidensya sa videos na nag-viral pa sa social media.
◘◘◘
MAY kabuuang 7, 878 ang mga botante sa mga apektadong presinto.
Sakali mang naiproklama na si Balindong bago ilabas ang desisyon, dapat umanong kanselahin ang proklamasyon.
◘◘◘
AYON pa sa petisyon ni Macapodi, ang paglalagay sa Malaban sa ilalim ng Comelec control ay hindi nakasapat para pigilan si Balindong at mga supporters nito sa paghahasik ng karahasan.
Iba umano ang magiging resulta ng eleksyon kung nakaboto nang malaya ang taumbayan.
◘◘◘
SERYOSO na ang kampo ni President-elect BBM na manungkulan simula sa tanghaling tapat ng Hunyo 30.
Isinasagawa na ang serye ng transition conference sa mga apektadong tanggapan.
◘◘◘
MARAMI ang excited sa pag-upo ni Marcos, Jr.
Marami rin ang nagtatanong kung ano ang magiging papel ni P-Digong sa “Marcos, Jr.” administration.
◘◘◘
TUMODO pa ang presyo ng petrolyo sa merkado.
Isang malaking paghamon kay P-BBM para mababa ito.
◘◘◘
TULAD sa presyo ng petrolyo, tumataas din ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19.
Pero, mas maganda ay paimbestigahan ni P-BBM kung awtentikado ba o totoo ang datos na inilalabas ng DOH.
◘◘◘
MARAMI ang nagdududa sa datos ng DOH, kung saan maaaring inimbento na lang ito upang patuloy na gamitin ang krisis upang makapagnakaw sa pamahalaan.
May suspetsa kasi na ginagamit kasi ang COVID-19 fund upang makapagdambong ang ilang nasa pribado at publikong opisina tulad ng PhilHealth.








Comments