Electric scooter, bawal sa walang driver's license
- BULGAR

- Sep 22, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 22, 2020

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes na maglalabas sila ng guidelines para sa mga gumagamit ng electric scooter.
Isa ang electric scooter na ginamit bilang transportasyon ngayong pandemya matapos
pagbawalan ang mga pampublikong sasakyan na bumiyahe.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, nilalaman ng guidelines
na maaari lamang gumamit ng electric scooter ang mga may driver’s license.
Aniya, “Mayroon nang draft ng administrative order na magko-consolidate ng guidelines.
Hinihintay na lang na aprubahan ni Secretary Tugade ng DOTr.”
Bukod pa rito, sinabi rin ni Galvante na sa pagdami ng mga gumagamit ng electric scooter, dumarami rin ang kamote riders. Tulad din umano ito ng mga sasakyan at motor na binabangga ang nananahimik na barrier.





Comments