top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Election period start na, police visibility mas paigtingin

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2023
1 min read

@Editorial | August 28, 2023


Ngayong araw, Agosto 28, ang simula ng election period kasabay ang pagpapatupad ng gun ban para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Kaugnay nito, tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na handang-handa na sila para sa nalalapit na halalan.

Tatanggap na rin sila ng certificates of candidacy (COCs) na tatagal hanggang Setyembre 2, mula Lunes hanggang Sabado. Ang campaign period ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang 28.

Nauna nang iniulat na ipagbabawal ang pagdadala ng cash na nasa P500,000 o higit pa mula Oktubre 25 hanggang sa Election Day sa Oktubre 30, 2023 para naman mapigilan ang vote-buying.


Kasabay ng pagsisimula ng election period, asahan na naka-set up na ang mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP). Bukod sa mga Oplan Sita, umaasa tayo na mas paiigtingin ang police visibility. Sa pamamagitan nito, kahit paano ay pagkakataon na mapaatras ang mga kriminal o agad na marerespondehan ang anumang sitwasyon.


Batid naman natin kung gaano kainit ang halalan sa Barangay. Hindi pa nga nagsisimula ang kampanya, nagkakagirian na ang ilang magkakalaban na nauuwi pa sa patayan.


Panawagan naman sa publiko, makiisa sa mga awtoridad, unawain kung medyo maaabala tulad sa mga checkpoint dahil ito ay para rin naman sa ating kapakanan.


Hangad natin na matapos ang eleksyon nang mapayapa at matagumpay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page