Eksena noong Jan. 21: P-BBM, nanood ng concert, VP Sara, dumalaw sa burol ng 13 nasawi sa landslide
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 27, 2024
MAGKASABAY NOONG JAN. 21, 2024, SI P-BBM, NANOOD NG CONCERT NG COLDPLAY AT SI VP SARA, DUMALAW SA BUROL NG 13 NAMATAY SA LANDSLIDE -- May dalawang eksena pa lang naganap noong Enero 21, 2024 patungkol kina Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at Vice President Sara Duterte-Carpio.
Si PBBM, kasama ang kanyang pamilya ay nanood ng concert ng Coldplay sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, at sa kabilang banda naman, dumalaw si VP Sara sa burol ng 13 nasawi sa landslides sa Monkayo, Davao del Norte, nagpakita ng moral support at nagbigay tulong sa mga pamilya ng mga namatayan.
‘Yan marahil ang dahilan kaya laging mas mataas ang rating ni VP Sara sa mga survey, kaysa kay P-BBM, period!
◘◘◘
PAHIRAP PALA SA MAMAMAYAN ANG ‘BAGONG PILIPINAS’ NG MARCOS ADMIN --Matapos iaprub ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo sa gatas, sardinas, sabon at iba pang grocery items ay inaprub na rin ng Dept. of Agriculture (DA) ang taas-presyo per kilo ng bigas.
‘Yan ang “Bagong Pilipinas” ng Marcos administration, pahirap sa mamamayan, boom!
◘◘◘
SA TAAS-PRESYO NG BIGAS, HINDI PALA PAG-AHON SA KAHIRAPAN ANG GAGAWIN NG MARCOS ADMIN SA MAMAMAYAN, KUNDI PAGKALUGMOK -- May mga lugar na ngayon sa bansa, na sa mga pamilihan ay pumapalo na sa P60 hanggang P75 ang per kilo ng bigas.
Sa mga lugar na ganyan kataas ang presyo per kilo ng bigas, ay tiyak nagsisipagsisi na ang mga residente r’yan kung bakit si P-BBM pa ang ibinoto nila sa pagka-presidente last 2022 presidential election kasi hindi pala pag-ahon sa kahirapan ang kanilang mararanasan, kundi pagkalugmok, period!
◘◘◘
INDEFINITE SUSPENSION ORDER NG NTC SA SMNI, MISTULANG PAMBABASTOS NG MARCOS ADMIN KAY EX-P-DUTERTE -- Noong Enero 7, 2024 ay sinabi ni ex-President Rodrigo Duterte na nais niyang makausap si P-BBM tungkol sa isyu ng 30 days suspension order ng National Telecommunication Commission (NTC) sa SMNI network, kasi may programa siya sa network na ito at ang naisin ng dating presidente na magkausap sila ay inaprub ni P-BBM, kaya nga lang hanggang ngayon hindi pa sila nagkakausap.
Ito na siste, nang matapos ang 30 days suspension order ng NTC ay indefinite suspension na ang ipinapataw ng NTC sa SMNI network.
Ang nais nating ipunto rito, mistulang binastos ng Marcos admin si ex-P-Duterte, kasi imbes tanggalin na ang 30 days suspension sa SMNI dahil may programa rito ang dating presidente ay pinatawan pa ng indefinite suspension, tsk!





Comments