top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ekonomiya, makakabangon na sa pagdating ng mga bakuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 4, 2021



Patuloy sa pag-arangkada ang pagbabakuna laban sa COVID-19 at ngayong araw ay inaasahan ang pagdating ng isa pang brand ng vaccine.


Kaugnay nito, tiwala ang gobyerno, partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) na makababangon at lalago na ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.


Gayunman, marami pa rin ang duda o nag-aalangan at tila nagpapakiramdaman kung magpapaturok.


Samantala, kasabay ng pag-roll out ng vaccination program, puwede na umanong maluwagan ang community restriction at madagdagan ang mga edad na papayagang makalabas.


Bagama’t nababahala ang mga eksperto sa kapansin-pansin umanong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR). Paniwala nila, nagsisimula nang magkaroon ng ‘surge’ o pagsirit sa kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa NCR.


Kaya dapat magtulungan ang lahat para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.


Ganundin ang gobyerno, kung kailangang ibalik ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols laban sa COVID-19 ay gawin na.


Dagdag pa itong pagpasok ng South African variant sa bansa na sinasabing nagpapataas ng transmission ng virus at maaaring magkaroon ng impact sa efficacy ng bakuna.


Hindi natin alam kung kailan talaga matatapos ang pandemya, kaya palagi pa ring mag-ingat, sumunod sa mga health protocols at utang na loob, tigilan na ang pamumulitika at pagpapalaganap ng fake news na may kaugnayan sa pagbabakuna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page