top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ekonomiya ang dapat pokus ng gobyerno, hindi pulitika!

  • BULGAR
  • Sep 17, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 17, 2021


Ibinabala na ang mga bagyo at malalakas na ulan sa nalalabing araw ng 2021.


Panibagong krisis ini!


◘◘◘


TULAD ng paulit-ulit nating binabanggit, mas marami ang gumagaling kaysa sa bilang ng bagong kaso ng COVID-19.


‘Yan na mismo ang lumilitaw sa datos!


◘◘◘


HINDI talaga reliable ang datos ng DOH.


Sandamakmak na katamaran, dapat i-validate ang datos sa COVID-19!


◘◘◘


EKONOMIYA ang dapat pokus ng gobyerno.


Ang problema, korupsiyon ang inaatulag ng mga kumag!


◘◘◘


BAKIT kaya hindi ilibre ang bakuna kontra flu at kontra pneumonia?


Walang pulitiko ang nagbibigay nito ng libre!


◘◘◘


TRILYUN-TRILYONG piso ang badyet pero bakit hindi isinama ang libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines?


Hindi ba’t malaking kamangmangan ‘yan o dambuhalang scam?


◘◘◘


MALINAW na nakatutulong ang flu at pneumonia vaccines upang makaiwas sa severe at death cases ng COVID.


Pero dinededma ito ng mga nagpapakilalang eksperto!


◘◘◘


ANG mga eksperto na tagapayo ng gobyerno ay mga eksperto sa panggogoyo sa publiko.


Sila rin ang kakutsaba sa pandarambong sa kaban ng bayan!


◘◘◘


NAKAKABURYONG na ang diskarte ng gobyerno.

Wala nang patol.


Kani-kanya nang ingat ang mga tao, kani-kanya na ring gamot nang hindi na lumalapit sa mga awtoridad!


◘◘◘


HINDI COVID o ekonomiya lang ang krisis.


May malaking krisis sa kredibilidad at integridad ang gobyerno!


◘◘◘


MAGING ang media ay may malaking krisis sa paglalabas ng impormasyon.

Walang kakayahan ang media na mailantad ang tunay na sitwasyon.


Ito ay dahil naiwanan ng panahon ang iskema ng kanilang pagbabalita!


◘◘◘


MAY malaking paghamon ang mga manunungkulan sa 2022.


Maglilingkod sila sa bagumbagong lipunan ng mga survivors ng COVID at economic meltdown!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page