ni MC @Sports | July 11, 2024
Walang ibang nasa isip si Ernest John "EJ" Obiena, isa sa pinakamalakas na medal potential sa Paris ng Pilipinas kundi ang konsentrahin ang isip at katawan sa laro, ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino nang makausap sa isang maigsing internet call ang world No. 2 men’s pole vaulter Martes ng hatinggabi.
“EJ is doing well and is very focused, him despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” ayon kay Tolentino, na tiniyak na ang mga magulang na si Emerson, dating national pole vaulter, at Jeanette ay tutuntong sa Paris para mag-cheers at suportahan ang kanilang anak.
Ayon sa tatay Obiena sinabi ni Tolentino na ito na rin ang namahala sa mga kailangan ng anak sa Olympics para mas makapagpokus ito sa laro.
“After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” ani Tolentino at idinagdag na hindi na rin praktikal sa Team Obiena na magbiyahe dahil ang men’s pole vault competitions sa Paris ay magsisimula na sa Agosto 3 para sa kuwalipikasyon at August 5 para sa final na idaraos sa 81,000-seat Stade de France.
Makakasama ni Obiena sa Team Philippines sa Paris ang weightlifters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo
Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar; swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch; judoka Kiyomi Watanabe; golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino.
Comments