top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Edad 4, 5 at 6, nalunod sa lawa, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 17, 2026



Edad 4, 5 at 6, nalunod sa lawa, dedo

Photo: File



Nasawi ang tatlong magpipinsang edad 4, 5 at 6 makaraang malunod sa lawa sa Brgy. Payas, Santa Barbara, Pangasinan, noong Sabado.


Natagpuan ng isang magsasaka ang walang buhay na katawan ng mga bata alas-5:20 ng hapon, matapos niyang makita ang mga damit sa tabi ng isang latian.


Agad na isinugod ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ngunit idineklara silang dead-on-arrival.


Ayon kay Police Col. Michael Datuin, bago ang trahedya ay nakitang naglalakad ang mga bata na patungo sa isang sakahan alas-2 ng hapon.


Narinig din umano ng ilang mga residente ang mga bata na nag-uusap tungkol sa pagligo malapit sa isang water pump.


Humingi na ng tulong ang pulisya sa barangay na maglagay ng bakod sa paligid ng lawa upang maiwasan ang paglangoy ng mga residente, lalo na ng mga bata.


Karaniwang gumagawa ng lawa ang mga magsasaka upang mag-alaga ng isda na dagdag na kabuhayan at mapagkukunan ng pagkain para sa kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page