top of page
Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT.jpg

Apela ni Jinggoy vs. suspension, ibinasura ng Sandiganbayan

Writer: BULGAR
BULGAR
11 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 17, 2026



Jinggoy Estrada sa BJMP - Circulated

Photo: File



Tablado sa Sandiganbayan Fifth Division ang apela ni Sen. Jinggoy Estrada na alisin ang kanyang 90-araw na preventive suspension kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano'y P573 milyong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan.


Sa resolusyong inilabas noong Nobyembre 10, ibinasura ng anti-graft court ang motion for reconsideration ng senador dahil sa kawalan ng sapat na batayan.


Iginiit ni Estrada na nakapagsilbi na siya ng 90-araw na suspensyon mula Hunyo 22 hanggang Setyembre 20 kaugnay ng hiwalay na kasong graft, kaya ang panibagong suspensyon ay maituturing nang parusa.


Gayunman, ipinaliwanag ng korte na magkahiwalay at independiyente ang mga kasong graft at plunder, kaya hindi hadlang ang naunang suspensyon sa pagpapatupad ng panibagong preventive suspension.


Ikinatuwa naman ng Office of the Ombudsman ang desisyon at nilinaw na ang preventive suspension ay isang legal na hakbang upang mapangalagaan ang proseso ng paglilitis, at hindi nangangahulugang napatunayang nagkasala ang senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page