top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ECQ, ibalik sa Metro Manila — Sen. Villanueva

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh - | July 15, 2020




Ibinahagi ni Senator Joel Villanueva na hindi malayong maibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon pa sa chairman of the Senate committee on labor, suportado nito ang muling pagdedeklara ng ECQ sa NCR.

Mula ng ibaba ang community quarantine sa Generala Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila noong June 1, halos 28,000 kaso ang naidagdag hanggang July 14.

Sinabi ni Villanueva na worth considering ang pagbabalik sa ECQ dahil kung titingnan ang mga ospital sa Metro Manila, karamihan sa kanila ay puno na.

"If we are not going back to ECQ, I am calling our government to issue order mandating workplace surveillance, conducting epidemiological monitoring," dagdag pa ni Villanueva.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Villanueva na kinakailangang magsakripisyo ng mga negosyante kung gusto pa nilang ipagpatuloy ang kanilang negosyo.

Maganda na magbigay ang gobyerno ng testing ngunit, sabi ng mga senador na hindi sapat ang kanilang resources.

Ngunit, sinabi ni Villanueva na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa ilalim ng GCQ para hindi maapektuhan ang ekonomiya sa pagsunod ng health protocol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page