top of page

Easy way kung type mo bang makipag-usap sa patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 28, 2020




Sa maraming horror movies, ang pakikipag-usap sa mga patay ay madali lang, dahil kung ano ang partikular na maaaring gawin nang madalian ay iyon na ang kanilang ipinapakita. Pero sa totoong buhay, tulad ng iba pang supernatural na aktibidades ay parang ang hirap yatang gawin. Hindi lahat ay kayang makipag-usap sa patay, kaya kailangan ng intensibong pagsasaliksik o pagkonsulta sa tao na biniyayaan ng abilidad. Pero isang babala lamang, ang pagtawag sa mga patay ay may resbak kumbaga. Kailangan kang handa sa isipan at damdamin sa anumang bagay na mararanasan na hindi mo nakikita o naririnig araw-araw.


ANG OUIJA BOARD.

Ang ouija board ang pinakasimpleng paraan upang makipag-usap sa mga patay. Sa paggamit nito, ang isang grupo ng tao ay inaatasan na pumormang paikot sa boards. Ang medium na rin ang tatawag sa espiritu ng patay na kaanak mula sa spirit world habang ang iba ay nakakonsentra sa espiritu sa isipan. Lahat ay dapat na ilalapat ang kanilang hintuturo nang bahagya sa plantseta. At kapag dumating ang espiritu, puwedeng magtanong ang tao na sasagutin lang ng oo o hindi ng espiritu sa kusang pag-usad ng plantseta sa Oo o Hindi na sections sa board. Ito ang pinakapopular na paraan ng komunikasyon sa patay, pero mapanganib pa rin ito. Kung sakali kasi na tapos na ang paggamit sa plantseta, marami ang naniniwala na ang espiritu, marami rito ay mga demonyo ay makakawala ito.


MAGKAROON NG MEDIUM UPANG MASIMULAN ANG SEREMONYA.

1. ANG TRANCE MEDIUMSHIP -Siya ang medium na biniyayaan ng ESP extra sensory perception, na may abilidad na makipag-usap sa mga espiritu. Upang matawagan ang patay nang kaanak o anumang espiritu, ang ritwal ay minsan kailangan, kung saan ang grupo ng tao ay inatasan na magkonsentra at magkapit-kamay. Ang espiritu na rin ang sasapi sa katawan ng medium, bigyan ang lahat ng tsansa para makipag-usap sa isang limitadong oras. Makaraan ang ilang sandali, iiwan ng multo ang katawan ng medium at babalik sa spirit world.


B. MENTAL MEDIUMSHIP -Ito ay para sa spirit medium. Sa kasong ito, idaraan niya ang espiritwal na pakikipag-usap sa kaisipan. Makapagtatanong na masasagot ng medium, base sa anumang sinabi ng naturang espiritu na nanggagaling sa kanyang isipan lamang.


a. PAGSAPI – Aatasan ng medium ang grupo na magkonsentra sa patay nang kaanak habang magkakahawak-kamay. Siya ay uusal ng dasal na kung saan darako ang espiritu sa gitna ng grupo. Kung masuwerte, makikita ang espiritu at makikipag-usap dito sa pamamagitan ng medium. Gayunman, ang pagsapi sa katawan ng tao ay sobrang peligroso. Ang sumaping espiritu ay baka umabuso at tuluyang manakot lalo na kung mawalan ng kontrol ang medium.


Magtanung-tanong muna bago kumuha ng medium. May mga mandarayang medium na gagamitin ang galing niya sa acting para lang pagkaperahan ang grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page