Eala at Jovic masusubok na, Pinay nagdiwang ng b-day
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 26, 2026

Photo: Hinandugan ng maliit na cake at hinipan ni Alex Eala ang maliit na kandila habang hawak ng kanyang beshies at close friends na sina Zeynep, Eva at Iva kahapon. (phsports avenuepix)
Pahinga muna pansamantala si Filipina tennis star Alexandra "Alex" Eala sa kanyang pakikipaghampasan sa loob ng tennis court at ipinagdiwang ang ika-21 taong kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan na sina Eva Lys, Zeynep Sonmez at katapat sa first round na si Iva Jovic bago ang pagsabak sa clay-tournament na 2026 Roland Garros: French Open ngayon sa Roland Garros Stadium sa Paris, France.
Inihayag ng 33rd SEAG gold medalist na napakahalaga ng pagkakaibigan sa tatlong manlalaro na nakakasama niya sa lahat ng pagsubok na pinagdaraanan sa pakikipagsapalaran sa batang professional career. “These friendships I have within the tour are very important to me. I don’t know how I would survive the tour without them. They are not just tennis friends; they are friends for truly life. We share many things together all along the year,” paglalahad ni Eala. “When we have to play against each other, we know just to separate the professional from the friendship. There is no need to change anything in the relationship.”
Nakapaghanda na sa inaabangang ikalawang pagsabak sa French Open ang Pinay left-hander na katapat ang American player na si Jovic, na nakasama nito sa women’s doubles ng ASB Classic at Indian Wells.
Naging magkaibigan sina Eala at Sonmez ng mag-tandem sa 2026 Madrid Open, habang si Lys ay nakapares sa Wimbledon noong isang taon, habang umaasa itong mahihigitan ang first-round exit noong isang taon kontra Colombian Emiliana Arango sa tatlong set.
“I feel much more prepared than last year to compete on clay. I believe I have improved a lot on this surface over the past twelve months. I still have a lot of room for improvement, but I feel like I have evolved a bit as a player,” pahayag ng tubong Quezon City.





Comments