top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

E-sabong biglang ipina-stop, posibleng may magkapatayan???

BULGAR
May 5, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 5, 2022


IBINASURA ni Digong ang e-sabong.


Iniutos na ng Malacañang ang mabilisang implementasyon nito.


◘◘◘


PAANO kaya ang mga pulitikong tumanggap ng campaign fund mula sa “God Father ng e-sabong”?


Magkabistuhan kaya?


◘◘◘


DAHIL biglaan ang pagsasarado ng e-sabong, paano kaya maimo-monetized ang mga panalong “load” mula sa mga master loaders at ahente?


Hindi kaya magkasuntukan o magkapatayan?


◘◘◘


MASELAN ang resulta ng biglaang pagsasarado ng e-sabong.

Mawawala ang bilyun-bilyong pisong kobransa ng mga gambling lords.


Kakarampot kasi ang buwis na napaparte ng gobyerno kumpara sa dambuhalang kobransa ng mga e-sabong operators.


◘◘◘


PERO ang hindi mapapatawad ay ang higit na 30 sabungero na nawawala dahil sa scam.


Ibig sabihin, nakaresbak na ang higit sa 30 kaluluwa na sinasabing “sinunog” ng mga suspek.


◘◘◘


ANGAT na angat ang aktor na si Richard Gomez bilang kongresista sa 4th District ng Leyte.


May halos 80 percent ang iskor niya sa latest survey kontra sa 20 percent ng kanyang karibal na si Goyo Larrazabal.


◘◘◘


SUPORTADO si Goma ng mga incumbent mayors sa kanyang distrito samantalang nasa likod ng kanyang kalaban ang Pamilya Codilla.


Noong 2019, nakopo ng kanyang misis na si Rep. Lucy Torres-Gomez ang 177,938 boto laban sa katunggaling si Eufrocino Codilla na mayroong 50, 969 boto.


◘◘◘


SA Ormoc City, nagtala naman ang actor-politician ng 77,573 boto bilang mayor laban sa 29,785 boto ng karibal na si Eric Codilla.


Nagrereklamo daw ang mga sacadas na nakatira sa hacienda ng kanyang kalaban dahil naha-harassed umano sila.


◘◘◘


SA gitna ng umano’y pananakot, patuloy na dumadalo ang mga supporters ni Goma sa mga miting-de-abanse


Bilang plataporma, suportado ni Gomez ang comprehensive agrarian reform ni Pangulong Duterte at nagawa nitong maresolba ang illegal drugs sa naturang lungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page