ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 18, 2024
Iniutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magbigay ng palugit sa pagbabawal sa ilang mga electric vehicle sa national road.
Sa isang pahayag na inilabas nitong Huwebes, sinabi ni Marcos na inutusan niya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magbigay ng grace period para sa mga e-bikes, e-trikes, at iba pang apektadong sasakyan na patuloy na gumagamit ng mga national roads sa Metro Manila.
Hindi niya ibinigay ang eksaktong petsa o panahon para sa palugit.
“Ang sakop ng grace period ay hindi pag-ticket, pag-multa, at pag-impound ng mga e-trike,” ani Bongbong.
“Kung paparahin man sila, ito ay upang maayos na maituro ang mga kalsadang maari nilang gamitin, pati na ang pagpapaalala ng mga bagong patakaran na ipinapatupad upang paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan,” dagdag niya.
Nagsimula noong Abril 15 ang pagbabawal sa mga tricycle, puschart, pedicab, kuliglig, e-bike, e-trike, at mga mababang klase ng electric vehicles (EVs) sa mga 20 national roads sa Metro Manila.
Comments