E-bike sinalpok ng van... 65-anyos na lola, patay sa hit-and-run

ni Janice Baricuatro @News | November 28, 2026

Photo: File
Nasawi ang isang 65-anyos na babae matapos salpukin ng Mitsubishi L300 ang sinasakyan niyang e-bike sa Antero Soriano Highway, Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi sa alyas Bibiana, may-ari ng sari-sari store at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa pulisya, alas-10 ng umaga nang mabangga ng van na minamaneho ni alyas Joel, ang likuran ng e-bike, dahilan upang tumilapon sa kalsada ang biktima at magtamo ng pinsala sa ulo.
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.
Tinutugis naman ng mga awtoridad ang driver ng van.





Comments