top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dyowang nasa abroad, ka-compatible kaya makakatuluyan

  • BULGAR
  • Nov 1, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 1, 2022

Dear Maestro,


Sa katunayan, isa akong lesbian at nasa abroad ngayon ang live-in partner ko at mag-i-isang taon na siya ru’n, pero bihira siyang tumawag dahil TNT lang siya ru’n. Pero sa kasalukuyan ay may trabaho naman siya dahil naipasok siya ng kaibigan niya sa isang bar bilang waitress. May isa siyang anak na nasa pangangalaga ko ngayon.


April 21, 1989 ang birthday ko at August 9, 1991 naman ang birthday ng partner ko. Maestro, kami na ba talaga ang nakatakdang magsama habambuhay at kami na ba ang itinadhana kahit malayo siya sa akin sa kasalukuyan? Ano’ng kapalaran ang naghihintay sa aming tatlo?

Umaasa, Dianne ng Santa Barbara, San Antonio, Nueva Ecija


Dear Dianne,


Kahit sabihin pang magkalayo kayo sa kasalukuyan ng live-in partner mo, ang nakakatuwa sa inyong dalawa ay ang pagiging magka-compatible ng zodiac sign mong Aries, kahit ang birth date mong April 21 ay nasa pagitan ng Aries at Taurus.


Gayunman, nananaig sa iyo ang pagiging Aries dahil hinigop ng iyong kapalaran ang isang tulad mong fire type sign na Leo, na siya namang zodiac sign ng live-in partner mo.


Ang ibig kong sabihin, ang Aries na siyang tunay mong zodiac sign ay compatible sa zodiac sign niyang Leo, sapagkat ang Leo at Aries ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy. Ibig sabihin, sa Astrology na pag-aanalisa, tunay na magka-compatible kayo.


Bukod sa pagiging compatible n’yo sa zodiac sign, pansinin mo rin na ang birth date na 9 ng live-in partner mo ay tugma naman sa birth date mong 21 o 3 (dahil ang 21 ay 2+1=3), kung saan ang inyong birth date ay under sa tinatawag nating series of 3-6-9.


Dagdag pa rito, hindi lang ‘yun dahil ang mas maganda, sa halip na ang destiny number mong 7 (4+21+1989=2014/ 20+14=34/ 3+4=7), na weak, mabait at mapagparayang mangingibig, ay tugmang-tugma rin sa destiny number na 1 (8+9+1991=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) ng partner mo, isang bagamundo, palaban, malakas ang loob, at may matapang na personalidad. Suwetong-suweto kayong magsama, sapagkat balanse ang magiging sitwasyon at pangyayari sa sandaling nagsama at nagmahalan nang todo ang isang weak number na tulad mo at strong number na tulad niya.


Sa madaling salita, dahil compatible naman kayo sa pag-aanalisang Astro-Numerology, tiyak ang magaganap, sa kanyang pagbabalik sa bansa, kayo na ang itinadhana ng kapalaran na magsasama sa isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page