top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dyowang nang-ghost, ‘di na dapat asahang babalik dahil iba ang ka-compatible

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 29, 2021


Dear Maestro,


May boyfriend ako, pero nagkakalabuan kami kaya namumroblema ako ngayon.



Gayundin, sa palagay n’yo, babalikan niya pa ba ako at kung hindi, makakatagpo pa ba ako ng ibang lalaking mamahalin ako habambuhay at walang iwanan? February 12, 2000 ang birthday ng boyfriend ko at August 27, 1999 naman ako.


Umaasa,


Maristela ng Dulong Bayan, SJDM, Bulacan

Dear Maristela,


Bagama’t ang birth date mong 27 o 9 (naging 9 ang 27, dahil 2+7=9) at ang birth date na 3 ng boyfriend mo (dahil ang 12 ay 1+2=3) ay compatible sa Numerology, sa grupo ng mga bilang na tinatawag nating series of 3-6-9, at ito ang nanaig noong may relasyon pa kayo, ang masakit lang sa kasalukuyan, posibleng hindi na ang mga numero ang nanaig sa inyong relasyon kundi ang purong Astrolohiya.


Sa sandaling hindi na numero ang nanaig sa inyong mga personalidad, sa halip, ang nanaig ay ang zodiac sign mong Virgo at Aquarius naman ang boyfriend mo, tulad ng nangyayari sa kasalukuyan at mangyayari pa, hindi nga kayo makakabuo ng meaningful at long lasting relationship. Ito ay sa dahilang tunay ngang hindi compatible ang zodiac sign na Virgo at Aquarius. Ibig sabihin, malabo na kayong magkabalikan o malabo ka nang balikan ng boyfriend mo na may magulong isip at walang linaw kung magpasya, dahil posibleng sa kasalukuyan, higit na nananaig sa pagkatao niya ang zodiac sign na Aquarius.


Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon, habang bata ka pa sa edad na 22, mag-move on ka na, limutin mo na siya at ituring mong kailanma’y hindi na siya babalik pa. Upang mas madaling makalimot, tandaang, “Sometimes, being strong means being able to let go.”


Pagkatapos, kapag natanggap mo na hanggang ganu’n na lang ang inyong relasyon, mag-entertain ka na ng bago at iba pang manliligaw na ka-compatible mo para makaranas ka ng pangmatagalan at panghabambuhay na pag-ibig.


Ayon sa birthday mong August 27, 1999, ka-compatible ng zodiac sign mong Virgo ang isang Taurus, Capricorn, Libra, Gemini, Pisces at kapwa mo Virgo, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.


Sa piling ng nasabing mga lalaki, makasusumpong ka na ng tapat at pangmatagalang relasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na relasyon, na nakatakdang mangyari, ayon sa iyong Love Calendar sa susunod na taong 2022 sa edad mong 23 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page