top of page
Search
BULGAR

Durant sakalam sa 41 pts, Mitchell nanaig kay Curry

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 7, 2023




Bumuhos ng 41 puntos si Kevin Durant upang maging susi sa 1201-106 panalo ng bisita Phoenix Suns sa Detroit Pistons sa NBA kahapon sa Little Caesars Arena. Ito na ang pinakamarami ni Durant ngayong taon at mas mahalaga ay pinutol na ang kanilang tatlong magkasunod na talo.


Sa first lang quarter lang nakasabay ang Pistons kahit may 13 na agad si Durant. Mula roon ay puro Suns ang nagdikta ng kuwento patungo sa kartadang 3-4 habang 2-5 ang Detroit.

Sumandal ang Toronto Raptors kay OG Anunoby upang magtagumpay sa San Antonio Spurs sa overtime, 123-116. Ipinasok ni Anunoby ang mintis ni Dennis Schroder para ipilit ang overtime, 110-110 at sinundan ng apat pang puntos at magtapos na may 24 at hindi masayang ang 30 at 11 rebound ni Scottie Barnes.


Nakamit sa wakas ng Memphis Grizzlies ang kanilang unang panalo ng bagong taon at gumanti sa Portland Trail Blazers, 112-100, salamat sa 30 ni Desmond Bane. Natalo ang Grizzlies sa kanilang unang anim na laro kasama ang 113-115 overtime sa parehong koponan noong Sabado na unang araw ng NBA Cup.


Nagtabi ng lakas ang Dallas Mavericks para sa 4th quarter at nanaig sa Charlotte Hornets, 124-118. Bumaha ang puntos sa huling 12 minuto at nanguna si Luka Doncic na may 10 ng kanyang 23 at 12 rebound upang mabura ang triple double ni LaMelo Ball na ipinasok ang 23 ng 30 na may kasamang 10 rebound at 13 assist.


Sa isa pang laro, naging mas matalas sa kanilang duwelo si Donovan Mitchell kontra kay Stephen Curry at wagi ang Cleveland Cavaliers sa Golden State Warriors, 115-104.


Nagsumite ng 31 mula sa limang three-points si Mitchell kumpara sa 25 mula pitong tres ni Curry.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page