Dumalaw sa mister na preso... Misis, 2 bese binaril sa ulo, dedbol
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | July 18, 2026

Photo: File
Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 33-anyos na babae matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng hapon, sa Sitio Sampalucan, Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite.
Kinilala ang biktima sa alyas na Nadia, residente ng Parklane Subdivision sa nasabing barangay.
Ayon sa pulisya, galing umano ang biktima sa pasilidad ng BJMP sa Brgy. Santiago matapos dalawin ang kanyang asawang nakakulong.
Habang pauwi, bigla umanong sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng motor at hinarang siya.
Bumaba umano ang angkas at dalawang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng General Trias Component City Police Station at isinailalim sa pagsusuri ng SOCO ang lugar.
Tinututukan na rin ng pulisya ang pagsusuri sa mga CCTV footage at iba pang impormasyon.





Comments