top of page
Search
  • BULGAR

Dudang nakakahatak ng mga konsumer… AGOT, PINUNA ANG PAGIGING ENDORSER NI CHRIS EVANS NG SMART

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 6, 2021





Pinuna ni Agot Isidro ang pagkuha ng Smart Communications sa Hollywood actor na si Chris Evans a.k.a. Captain America bilang endorser ng kumpanya.


Pasaring ng aktres, nakakadagdag daw ba ng mga subscribers kung ang mga kinukuhang endorser ay sikat na foreign artists?


“Hindi ko na naiintindihan, Smart. Nakakarami ba talaga ng subscribers ang mga endorsers na 'yan?”


Hindi lamang si Captain America ang unang foreign artist na kinuha ng giant telecom. Nariyan din ang Korean boyband group na BTS, si Hyun Bin at si So Jin sa Crash Landing On You.


Kung tutuusin, may point si Agot sa kanyang naobserbahan. Bakit nga ba kailangang mga foreign artists pa ang kinukuha para mag-endorso ng produktong mula naman sa Pilipinas?


Marami naman tayong sikat na artista na puwedeng-puwedeng mag-endorso lalo na at maraming nangangailangan ng trabaho dahil sa panahon ng pandemya.


Wala naman nang dapat patunayan ang Smart. In demand na ang telecommunication dito sa ating bansa. Unless, kukuha ng franchise ang foreign artist na nag-eendorso para magkaroon ng site sa kanilang bansa, tulad ng ibang branded products na ineendorso ng mga local artists na napapanood sa TV commercials.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page