Dudang may lalaki.. Misis, kinatay ng mister
- BULGAR

- Mar 14, 2023
- 1 min read
ni Levi Gonzales | March 14, 2023

Dead-on-arrival sa ospital ang isang misis makaraang pagsasaksakin ng dati niyang mister sa Bgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Alas-7:45 ng umaga habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktimang si alyas Ana, 43, nang biglang pasukin ng suspek na si Lito Rubio, 59, kapwa residente sa nasabing lugar.
Agad nitong inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima bago tumakas.
Naisugod pa ito sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na rin umabot ng buhay.
Sa ating panayam sa kaanak nito, matagal na umano silang hiwalay. Posible umanong nagseselos ang suspek at iniisip nitong may ibang lalaki ang biktima.
Hustisya naman ang sigaw ng kaanak ng biktima upang agad na madakip ang salarin.





Comments