Du'n daw napupunta ang malaking pera... MATTEO, UMAMIN SA BISYO NILA NI SARAH

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 23, 2020

Plantito at plantita rin pala ang newlywed na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ito ang ikinuwento ni Matteo sa virtual presscon ng SunLife para ipakilala ang bagong Newlywed Starter Pack product ng insurance company na ineendorso niya.
Dahil financial investment ang pinag-usapan sa presscon, natanong si Matteo kung saan sila nag-i-invest ng pera nila ngayon ni Sarah. At natatawa ngang pag-amin ng aktor, bukod sa mga gamit sa bahay na unti-unti nilang binibili ng kanyang misis, malaking halaga ng kanilang pera ay napupunta sa pagbili ng mga halaman na sobrang nauso ngayong pandemic.
Pero bawi ni Matteo, ngayong mag-asawa na sila ni Sarah, mas naging wise spender siya at tinitimbang o ina-analyze rin muna nilang mabuti ang mga bagay na pagkakagastusan dahil ang iniisip niya ngayon ay hindi na lang ang kanyang sarili kundi ang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Importante rin daw at malaking bagay sa relasyon na transparent sila ni Sarah sa isa't isa pagdating sa usaping pera para hindi nila ito pag-awayan at walang hanapan, 'ika nga.
Puring-puri rin ni Matteo ang kanyang misis dahil tulad niya, magaling din daw humawak ng pera si Sarah, bukod sa napaka-talented daw nito sa pagbe-bake.
Bagama't inamin niyang tulad ng iba ay hindi naman perfect ang pagsasama nila ni Sarah, ang importante raw ay sabay silang natututo at napag-uusapan-naaayos naman ang mga nagiging issues nila.
Tinanong nga namin si Matteo na dahil mag-asawa na sila ngayon ni Sarah, meron na ba silang joint account para sa kanilang savings?
Natawa ang aktor at "Secret," lang ang naging sagot.
Sabagay, bakit nga ba kasi kami nakikialam sa savings nila? Tsismosa lang ang peg? Char!
Pero sa totoo lang, nakakatuwang pakinggan ngayon si Matteo dahil iba na nga ang mga views niya in life at sa bawat desisyon nga naman niya, siyempre ay kasama na si Sarah.
Kaya naman, importante talaga para kay Matteo ang pagkakaroon ng Newlywed Starter Pack ng SunLife dahil malaking tulong daw ito para sa mga bagong mag-asawang tulad nila ni Sarah.





Comments