DTI Usec. Castelo masyadong pasikat na-bash, P-BBM nadamay pa
- BULGAR
- Dec 22, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | December 22, 2022
DAPAT SIBAKIN NA SI DTI USEC. RUTH CASTELO—Patuloy na pinuputakti ng batikos sa social media si DTI Usec. Ruth Castelo dahil sa sinabi nitong kasya na ang P500 na panghanda sa Noche Buena ng pamilyang Pinoy.
Ang masaklap, sa sinabi ni Usec. Castelo, pati si P-BBM at ang kanyang administrasyon ay nadamay sa pagbatikos.
Aba, dapat yata ay sibakin na si Usec. Castelo kasi pati siya at ang kanyang administrasyon ay nadamay sa batikos dahil sa palpak na pabida nito.
◘◘◘
MAYORA LACUNA, HINDI NASAMA SA TOP 5 NA MAGALING NA ALKALDE SA METRO MANILA—Sa resulta ng survey na inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. para sa job performance ng mga alkalde sa Metro Manila ay hindi man lang nasama sa pinakamahusay na mayor sa Top 5 si Honey Lacuna, na alkalde ng Maynila na kabisera ng ating bansa.
Kunsabagay, may dahilan na hindi masama sa Top 5 si Mayora Lacuna kasi wala namang nabalitan na magandang nagawa niya sa lungsod, ultimo raket na bookies at lotteng nina "Boy Abang" at "Lorna" sa Maynila ay hindi niya maipa-stop.
◘◘◘
MATAPOS ANG PABARYA-BARYANG ROLLBACK, KUMPANYA NG LANGIS BIGLANG-BAWI SA OIL PRICE HIKE—Nagtaas na naman ang mga oil companies sa presyo ng mga produktong petrolyo, na P2.90 per liter sa diesel, P0.70 per liter sa gasolina at P1.65 per liter sa kerosene.
'Yan ang bad sa mga oil companies, na matapos magbarya-baryang rollback ay biglang bawi sa mataas na oil price increase.





Comments