Drug den ni-raid, Kagawad, 2 pang gov't employees, arestado
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 20, 2026

Photo: PDEA Regional Office XIII
Timbog ang isang dating barangay kagawad at dalawang kawani ng Local Government Unit (LGU) matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang hinihinalang drug den sa Purok Lutos, Brgy. Quezon, Mainit, Surigao del Norte nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga nadakip na suspek sa alyas na David, Dennis, at Ronie.
Ayon sa imbestigasyon, si “David,” na dating barangay kagawad, umano ang maintainer ng naturang drug den.
Samantala, naaktuhan naman umano sina “Dennis” at “Ronie,” na kapwa job order (JO) employees sa Mainit Municipal Government, na nasa loob ng naturang lugar at naaktuhang gumagamit ng shabu.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang pitong gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P47,600, buy-bust money, mga cellphone, identification cards, gamit at rolyadong aluminum foil, lighter, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Binigyang-diin naman ni PDEA Regional Director Laurefel Gabales ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang maigting na kampanya kontra iligal na droga sa Caraga Region.





Comments