Droga talamak pa rin, drug war ni Digong pang-uunggoy o palpak lang si P-BBM?
- BULGAR
- Jun 27, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 27, 2023
SA DAMI NG BARANGAY NA TALAMAK ANG SHABU, IBIG SABIHIN PANG-UUNGGOY ANG DRUG WAR NI EX-P-DIGONG O PALPAK SI P-BBM? -- Inanunsyo ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda na talamak pa rin ang kalakaran ng droga sa 8,288 na mga barangay sa buong bansa.
Dalawa lang ang ibig sabihin niyan kaya ganyan pa rin katalamak ang drug addiction, kundi sa pang-uunggoy lang ang drug war ni ex-P-Duterte, ay palpak ang kampanya laban sa droga ng administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos, boom!
◘◘◘
P-BBM AT CUSTOMS DAPAT UMAKSYON BAKA ANG 'UKAY-UKAY' NI 'MR. TEVES' AY MAY PALAMANG SHABU -- Ang illegal drugs na patuloy na lumalaganap sa Pilipinas ay mga shabu na mula sa ibang bansa, at ang mga "ukay-ukay" naman na pumapasok sa bansa ay mula rin abroad.
Ang nais nating ipunto rito ay dapat umaksyon na ang mga tauhan ni P-BBM sa Customs laban sa isang "ukay-ukay" smuggler na may alyas na "Mr. Teves" kasi baka ang mga epektos o kargamento (used clothes o ukay-ukay) na ipinupuslit nito papasok sa ‘Pinas ay may palamang shabu, period!
◘◘◘
KAILAN PA AAKSYON SINA MAYOR BEVERLEY DIMACUHA AT COL. DE CHAVEZ LABAN SA 'PAIHI GANG' NI 'RICO,' KAPAG MAY MGA NADISGRASYA NA SA NATIONAL HIGHWAY NG BATANGAS CITY? -- Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang raket na "Paihi Gang" o pagnanakaw ng grupo ni "Rico" ng mga produktong petrolyo sa mga oil tanker, kasabwat ang mga oil tanker driver, at ang nakawan ay isinasagawa mismo sa national highway ng Bgy. Balagtas, Batangas City na sadyang napakadelikado dahil kapag may sumabog na oil tanker, tiyak maraming motoristang madidisgrasya rito.
Kailan kaya aaksyon sina Mayor Beverley Dimacuha at Batangas PNP Director Col. Rainerio De Chavez laban sa "Paihi Gang" ni "Rico," kapag maraming motorista na ang nadisgrasya sa national highway sa lungsod na ito? Buset!
◘◘◘
COL. DE CHAVEZ AT GEN. GACES, 'NGANGA' SA MGA RAKET NINA 'RICO' AT 'ALING TESSIE' SA BATANGAS -- Hindi lang ang raket na "Paihi Gang" ni "Rico" ang namamayagpag sa Batangas, kundi pati ang raket na color games at drop balls ni "Aling Tessie."
Kaya’t ang tanong: Ano kaya ang dahilan at "nganga" lang si Batangas PD, Col. De Chavez, pati si PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces sa mga ganitong uri ng raket ng magnanakaw na si "Rico" at ilegalistang si "Aling Tessie" sa kanilang nasasakupan?
Boom!
k pa rin, drug war ni Digong pang-uunggoy o palpak lang si P-BBM?





Comments