top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Driving school fees, mas pinababa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | March 13, 2023

Sa gitna ng mga reklamo na malaki ang nagiging gastusin sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho, nagtakda ang Land Transportation Office (LTO) ng pamantayan hinggil sa halaga ng mga driving school fees na kanilang ilalabas bago magtapos ang Marso.


Sa pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Arturo Jay Art Tugade, batay sa natanggap na internal reports, umaabot ang enrollment fees sa P20,000 ng mga naturang iskul at target nilang pababain ang halaga nito na posibleng kalahati na lamang ang babayaran sa mga driving school fees na ipapatupad ngayong buwan.


Mula sa ginanap na pulong ng komite kamakailan, sinabi ni Tugade na nakabuo sila at nagkaroon na rin ng makatwirang standard rate fees na plano nang i-rollout sa mga driving school.


Paliwanag ni Tugade, wala talagang suggested fees na sinusunod, kaya maglalabas na ang LTO ng standard fees na kailangang sundin ng mga driving schools, subalit ito aniya ay nasa maximum.


Sa kasalukuyan, nasa P100 ang application fee ng student permit at karagdagang P150 para sa mismong student permit fee.


Sa mga gustong i-convert o makakuha ng non-professional license, nasa P100 ang processing fee at P585 para sa mismong lisensya.


Ang nabanggit na gastusin ay napupunta sa LTO, subalit aniya, para sagutin ang cost ng plastic cards, pati na rin ang administrative expense na kasama sa pag-isyu ng driver’s license.


Malaking ginhawa at tulong ang maibibigay ng kinauukulan sa mga nagnanais na makapagmaneho at magkaroon ng lisensya, lalo sa mga student driver.


Mas maibubuhos din nila nang husto ang panahon na agad matutong magmaneho na maaari rin nilang magamit sa trabaho sa halip na iisipin pa nila ang pambayad sa mataas na driving school fees.


Sumunod din sana ang mga iskul na ito sa ipapatupad na panuntunan ng kinauukulan na totoong higit na makatutulong sa taumbayan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page