Drag queen Pura Luka Vega, tinuluyan
- BULGAR

- Aug 1, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 1, 2023

Sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors Office ang drag queen na si Pura Luka dahil sa panggagaya sa Itim na Nazareno sa isang drag show na nag-viral sa social media.
Pormal na nagsampa ng reklamo nitong Lunes ng umaga ang grupong Philippine Jesus Movement laban kay Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code na nagbabawal sa mga indecent show o malalaswang palabas.

Hindi nagustuhan ng PJM ang ginawa ng drag queen na anila ay pambabastos at paglapastangan sa Diyos dahil bukod sa paggaya sa Nazareno ay ginawan ng rap version ang dasal na Ama Namin.
Binigyan-diin ng PJM na hindi katanggap-tanggap sa mga Katoliko na bastusin ang Diyos.
Sinabi pa ng grupo na kahit kailan ay hindi sila nang-insulto at nangutya sa mga kabaro ni Luka Pura Vega kapag pumapasok sa simbahan at mga pagtitipon at wala silang naririnig na paglapastangan sa kanilang katauhan o karapatan mula sa kanilang grupo kaya dapat sana ay iginalang din nito ang kanilang Simbahan.





Comments